Kasunduan ng SSS at DILG: mga delinkwenteng kompanya walang business permit



Muling pumirma sa isang kasunduan ang Social Security System (SSS) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang magkatuwang na pagtibayin ang seguridad at proteksyon ng mga manggagawa mula sa mga delinkwenteng employer.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr, magbabahagi ng impormasyon ang SSS sa mga lokal na pamahalaan na siyang magiging basehan sa pagbibigay ng business permit.
Matatandaan na sa naunang kasunduan ng SSS at DILG noong 2001, kinakailangang magsumite ng Certificate of SSS Coverage and Complianceang mga kumpanya upang makakuha ng business o mayor’s permit.
Sa ilalim ng bagong kasunduan, magbibigay ang sangay ng SSS ng listahan ng mga delinkwenteng employer at business operators kada huling araw ng taon sa mga lokal na pamahalaan. Hindi mabibigyan ng permit ang kumpanyang may kakulangan sa SSS ngunit maaari itong bigyan ng temporary permit na may bisang tumatagal hanggang tatlong buwan habang inaayos nito ang pagkakautang sa SSS.
"Ipinapakita ng memorandum of agreement ang layunin ng pamahalaang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsegurong nasusunod ng kanilang mga employer ang obligasyon nila sa ilalim ng batas. Sa pamamagitan ng agreement, mas mapapadali na rin ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng mga kumpanya ng kanilang business permit. Sa huli, mapabubuti nito ang kalagayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas," paliwanag ni de Quiros.
Dagdag pa ni de Quiros, agad nilang maabisuhan ang mga lokal na pamahalaan tungkol sa mga kumpanyang hindi rehistrado sa SSS sa pamamagitan ng mga account officer na regular na nagsasagawa ng inspeksyon sa bawat nasasakupan nitong lugar. Sa tulong ng mga datos na makakalap mula sa inspeksyon, matitiyak rin ng mga lokal na pamahalaan kung may business permit ang mga nai-report na kumpanya.
Samantala, magbibigay naman ang mga lokal na pamahalaan ng listahan ng mga kumpanyang may business permit sa mga sangay ng SSS sa kanilang nasasakupang lugar bago matapos ang Pebrero kada taon.
Isinasaad din ng naturang kasunduang pinirmahan noong Disyembre 26, 2012, ang paglahok ng SSS sa mga Business One-Stop Shops (BOSS) na isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan kasabay ng pagbibigay ng business permit tuwing Enero.
Sa kasalukuyan, may higit sa 600,000 kumpanya ang nakarehistro sa SSS. Itinatakda ng Social Security law ang pag-uulat ng mga employer ng mga bago nilang empleyado sa SSS sa loob ng 30 araw, pagkakaltas mula sa kanilang buwanang sweldo ng kontribusyon para sa SSS, at regular na paghuhulog nila ng buwanang kontribusyon sa SSS ng kanilang mga empleyado.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star