Panawagan

Panawagan
ni Ma. Fe P. Nicodemus

Ang mga issue sa mga ofws ay hindi na bago para sa mga non-government organization tulad ng KAKAMMPI, dahil kung babalikan ang mga panahon marami ng hinawakang kaso ang grupo ng kakammpi,  na ganito ang sumbong, ngunit napakahirap ng maging isang biktima dahil na rin sa ayaw ng mga ofws ang ma-iskandalo lalong-lalo na nais pa nilang magtrabaho sa ibayong dagat… at sa mga naiulat…   tama rin ang mga bansa nabanggit tulad ng Kuwait , Jordan at ilan sa KSA.ito ang karanasan ng kakammpi.

Nakakalungkot kasi wala talagang magawa sila,(ofws) kung hindi sumunod nalang … hirap ang KAKAMMPI  na tumulong sa kanila dahil  na rin sa  ayaw ng lumantad ng mga naging biktima ... dahil na rin di umano  sa seguridad ng mga ofws at siyempre alam natin ang confidentiality.

Pero dahil sa may ganitong isyu… nanawagan ako sa lahat na naging biktima na sana ay lumabas tayo at magbigay ng testimoniya. Upang mabigyan ng kasagutan at hustisya  ang naging  biktima.

Nanawagan ang KAKAMMPI sa pamahalaan sa mga mambabatas para sa mas epektibong sistema at komprehensibong programa upang mapabilis na maiuwi sa bansa ang mga nagigipit na overseas Filipino workers (OFWs). Ito'y sa harap na rin ng iskandalo tungkol sa umano'y "sex-for-repatriation" na nagaganap sa Middle East.

 Sa gitna  ng shocking ng isyu sa   "sex for flight" scandal na ito kasama ang mga pinagkakatiwalaang, Philippine officials para sana sa pag-aayos ng  repatriation of  distressed overseas Filipino workers, hindi naman masyadong nababahala diyan ang KAKAMMPI , mas nababahala kami ngayon  dahil sa crackdown on undocumented workers in Saudi Arabia. Dahil nakikita na ang mangyayari …nandiyan na ang mga abusadong amo at embassy, at mga consulate officials ang makikinabang sa sitwasyon na ito. Ang nakikita  pa rin dito  mas titindi  ang exploitation.

 Ang sex for flight ay isang isyu na hindi isolated, pero ang aking concern ay ang matatapos na palugit ng Kingdom of Saudi Arabia, ano na ang mangyayari malapit na ang july 3, isang bangungot na isyu ito para sa Aquino Government.

Sana ay huwag masyadong palakihin ang isyu sa ‘ sex for flight… at mag-imbestiga dapat…  pero huwag  na huwag kalimutan ang 6,000 na libong stranded workers na ngayon ay nasa KSA. Sila ang mas bulnerable ang kalagayan sa ngayon. Habang nag-iimbestiga kayo ehh,, dapat naiisip ninyo ang kalagayan ng mga ofws sa KSA. Tandaan din na iba ang batas sa naturang bansa.


Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star