3 Pinoy ligtas sa ‘lumipad’ na barko
Iniulat kahapon ng Philippine Consulate sa Hong Kong na ligtas na ang tatlong Pinoy na kabilang sa 80 sugatan na tumilapon mula sa kanilang sinasakyan barko na bumibiyahe mula sa bansa patungong Macau.
Pinayagan na kahapon ng mga manggagamot na makalabas ng hospital ang tatlong Pinoy dahil sa hindi naman malubha ang kanilang mga tinamong sugat sa kanilang katawan sa nasabing aksidente.
Pansamantala naman hindi muna binanggit ang mga pangalan ng tatlong Pinoy na nasugtan at ang iba pang biktima.
Magugunitang naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng tanghali sa may sakop ng Isla ng Hie Ling Chau na kung saan nasa 80 sugatan kabilang ang apat na nasa kritikal na kondisyon.
Comments