OFW nagsoli ng cash, iPhone

Umani ng papuri ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang ibalik ang pouch na napulot nito na pag-aari ng isang negosyante sa Al Khor Qatar.
Base sa ulat noong Martes ng alas-11:30 ng umaga nang mapulot ni Jayson Castillo, 24, BS Nursing graduate, at taga-Panga­sinan ang isang kulay itim na bag na naglalalman ng QR50,00 na katumbas ng mahigit sa P600,060 cash, iba’t ibang tseke at isang mamahaling iPhone sa rotonda ng Al Khor nang nasabing bansa.
Dahil sa dalawang buwan pa lamang nagtratrabaho si Castillo bilang isang receptionist sa Qatar ay hindi niya ito alam kung saan niya isusuko o dadalhin ang napulot niyang bag at agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na nakilalang si Joey Angeles upang ipagbigay alam at humingi ng payo kung paano niya ito ibabalik ang napulot niyang pouch.
Agad naman siyang sinabihan ng kanyang kaibigan na dalhin na lamang sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at doon ito isurender ang nasabing bag.
Todo pasasalamat naman ng may-ari kay Castillo na aniya ay pampasuweldo ito sa kanyang mga empleyado. 

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star