Canada magpapahabol ng donasyon sa ‘Yolanda’ victims
Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magdadagdag pa ng mahigit P206 milyong halaga ng tulong ang gobyerno ng Canada sa mga nabiktima ng nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.
Ayon sa DFA, ito ang inanunsyo at ipinarating sa kanila kahapon ni Christian Paradis ng Canada Federal Minister of International Development kasunod ng kanyang pagbisita mismo sa mga biktima ng kalamidad sa Lungsod ng Tacloban at Ormoc.
Ito ay upang dagdagan pa ang 20 milyong Canadian Dollars o katumbas ng P825 milyong pisong halaga na naunang tulong na kanilang naipagkaloob na sa Pilipinas.
Aniya darating sa bansa sa mga susunod na araw ang nasabing dagdag na tulong sakay ng dalawang chartered plane.
Comments