GMA News Online, kinilala ng mga OFW


MANILA, Philippines - Kinilala bilang paboritong news website ng mga overseas Filipino workers ang GMA News Online sa ikalawang magkasunod na taon ayon sa poll na isinagawa ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI).
Iginawad ang nasabing parangal sa GMA News Online para sa mahusay nitong pagkilala at pagsulong sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers.
Sinabi ng chairperson ng KAKAMMPI na si Ma. Fe Nicodemus sa GMA News Online, sikat sa overseas Filipino community ang mga artikulong nagtatampok ng mga OFW tips at guides sa nasabing website.
Bukod dito, matatagpuan din sa Pinoy Abroad section ang mga success stories ng mga Pilipino sa ibang bansa at mga articles mula sa mga overseas content partners.
Tinanggap nina Pinoy Abroad editor Karl Kaufman at writer na si Xianne Arcangel ang OFW Gawad Parangal Award for Most Dedicated Online News for OFWs para sa GMA News Online.
Binase ang pagpili ng mga mananalo sa online at text votes ng mga OFWs mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at sa kanilang mga pamilya na ninirahan sa bansa. Ginanap ang awarding noong December 2013 sa Maynila.
Bukod sa GMA News Online, nagwagi naman sa mga TV categories sa OFW Gawad Parangal ang mga GMA News and Public Affairs personalities na sina Jessica Soho, Mel Tiangco, Jay Taruc at Kara David.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star