30 OFW, 'stranded' sa Saudi Arabia matapos malugi ang isang kompanya


ABS-CBN News
Posted at Sep 17 2017 06:55 PM
Watch also in iWantv or TFC.tv
Halos 30 pang manggagawang Pinoy ang stranded sa Al-Khobar, Saudi Arabia matapos mawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng kompanyang kanilang pinapasukan. 
Tapos na rin ang amnesty program ng Saudi government kaya hindi na sila nakasama sa listahan ng mga pinauwi sa Pilipinas.
Isa sa mga apektadong OFW si Albert Catalino, na nag-expire na ang Iqama o residence permit, at ngayo'y tuluyan nang stranded sa Saudi Arabia dahil hindi mabigyan ng exit visa.
Limang taon dapat ang kontrata ni Albert, pero naging dalawang taon na lang ito nang malugi ang kompanya
Ang masaklap pa, wala na siyang sinahod nitong huli.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nakikipag-usap na sa mga apektadong kompanya ang ating embahada sa Saudi Arabia para mapabilis ang pagpapauwi ng mga OFW at pagproseso ng kanilang mga Iqama.
Nangako rin si OWWA Deputy Administrator Josefino Torres na tutulungan ang mga OFW na makuha ang naiwang sahod at benepisyo.

Comments

Popular posts from this blog

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star