Marian Rivera, kinilalang Best Actress sa OFW Gawad Parangal


By Cherry Sun
Kinilala si Marian Rivera bilang Best Actress sa OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI o Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.
Ginawad kay Marian ang pagkilala para sa kanyang mahusay na pagganap sa 'Milya-milyang Agwat ng Mag-ina' episode ng kanyang programang Tadhana.
Anang Kapuso Primetime Queen, “Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director. Salamat sa'yo Mahal ko, sa suporta, sa pag-aalaga at pag-guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap. Personal man o sa trabaho, you always bring out the best in me. Naks!”
“At lalo pang naging special dahil sa nabigyan ako ng parangal. Salamat pong muli KAKAMMPI,” dugtong ni Marian.

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

In Cairo, senior Hamas officials discuss hostage deal with Egyptian intelligence chief ---By TOI STAFF, AGENCIES and LAZAR BERMAN

LIST: 21 medicines added to VAT-exempt list Ian Laqui - Philstar.com