410 Pinoys mula Lebanon kabahagi ng ‘single mass repatriation flight’ sa Phl history – DFA

By Bombo Dave Vincent Pasit -July 16, 2020 | 2:03 PM23 Nakarating na ng Pilipinas ang mahigit 400 Pinoy mula Lebanon na kabilang sa tinaguriang “single mass repatriation flight” sa kasaysayan ng bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Sa isang Twitter post, sinabi ng DFA na 410 Pinoy ang natulungan ng Philippine Embassy sa Beirut na makauwi ng bansa. Karamihan sa mga ito ayon sa DFA ay ilang taon nang naninirahan sa Lebanon. Ang mga repatriates na ito ay beneficiaries ng libreng voluntary mass repatriation program ng embahada, na nagsimula noong pang Disyembre 2019. Sinabi ng DFA na 1,023 Pinoys na ang kabuuang bilang natulungan ng embahada na makauwi sa loob ng 15 flights.

Comments

Popular posts from this blog

Africa roads are world’s deadliest despite few cars ---- AFP

The challenge of welcoming migrants and asylum seekers

Russia captures town after 2 years of Ukrainian resistance --- Reuters