Overseas Filipino Workers sa Hong Kong, aktibo sa health at fitness Jefferson Mendoza -- TFC News Hong Kong
HONG KONG - Hindi lang sa maayos na pagtatrabaho nakatutok ang mga Pinoy sa Hong Kong, binibigyang oras din nila ang ilang sports at hobby para mapanatili ang magandang kalusugan. Kasagsagan pa ng pandemya noong Hulyo 2021 nang sumabak sa 100 peaks challenge sa Hong Kong ang OFW na si Alina Ilyn Vaso. 254 na kilometro ang hiking at may 18,000 meters na taas ang tuktok na kanyang inakyat na katumbas umano ng pag-akyat sa Mount Everest ng dalawang beses sa loob ng anim na araw. Dito niya napagtantong kaya niyang sumabak sa mahahabang hiking. “Huwag po kayo matakot na sumubok sa mga ganitong patimpalak. Hindi natin alam mayroon din kayong potential sa pagtakbo. And ‘wag kayo matakot maghike dito po sa Hong Kong. Napakasafe po ang paghahike po. Napakaganda ng trail nila dito sa Hong Kong,” sabi ni Vaso. Nitong Pebrero sumabak na rin siya sa trail running kung saan nanalo siya sa 100-kilometer trail run. Na-inspire tuloy ang Pinay na si Anna Rose Autor at sumabak na rin sa trail run...