Canadian solon nagturo ng wastong proseso ng migration

Maraming trabahong naghihintay para sa mga Pinoy na gustong mag-migrate sa Canada.

Isang assemblyman ng Canada nagsadya sa Pilipinas para ituro ang tamang proseso ng pag-migrate.

Gustong makarating at magtrabaho ni Josephine Camacho sa Canada. Naengganyo siya dahil sa nabalitaang pag-asenso ng kanyang tiyahin na babysitter doon.

“Nakabili na siya ng sariling bahay nila,” sabi ni Camacho.

Si Dorris Mabilangan naman ay 11 taon nang naninirahan sa Canada.

Tinutulungan niya ngayon ang mga kapatid na makapag-migrate.

"Para sa tulad ng kapatid ko siguro mas mabuti nga kasi tatlo anak niya libre doon ang mag-aral ang hospitalization, doktor, libre,” sabi ni Mabilangan.

Sabi ng isang assemblyman ng Canada, hindi na kailangan ng kuneksyon o umupa pa ng mamahaling immigration lawyer para makapag-migrate sa canada.

“People need to be aware that there is a great deal of exploitation and it saddens me and many others when people are exploited for the wrong reasons,” sabi ni Kevin Lamoreaux, member ng Legislative Assembly ng Manitoba, Canada.

Nagsadya si Lamoreaux ng Pilipinas para maturuan ang mga kaanak ng kanyang mga constituents sa Manitoba kung paano mag-migrate.

Una, kailangang mayroong kamag-anak sa Canada, nakatapos ng vocational level,18-49 years old at may mapapakitang ipon na C$10,000 para sa principal at C$2,000 para sa bawat dependent.

Kung sa isang probinsya gaya ng Manitoba mag-apply, isa’t kalahating taon lang ang pag-proseso ng papeles.

Sabi ni Lamoreaux, nangangailangan ng mga factory workers, accountants at IT professionals sa Manitoba.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star