Pinoy TNTs sa US apektado sa 'real ID system'
Inaasahang maapektuhan ang Filipino community sa Estados Unidos ng pinaplanong “Real ID system" na nais ipatupad doon bilang bahagi ng kampanya ng Amerika laban sa terorismo at illegal immigrants.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Martes, sinabi ni US immigrant lawyer Michel Templo na ang mga Filipino na hindi dokumento o TNT (tago-ng-tago) ang siguradong maaapektuhan ng Real ID system.
“Not so much impact if they maintain their legal status. If they maintain their visa or legal immigration status, there is no much impact on that. The greater impact will be on TNTs," paliwanag ni Templo.
Dahil sa bagong ID system, inaasahan na magiging mahigpit ang US authorities sa paghingi ng mga ipakikitang dokumento ng mag-a-apply ng ID.
Sa listahan ng Commission on Filipino Overseas, lumitaw na umabot sa mahigit dalawang milyon ang Filipino na may permanent status sa US; mahigit 100,000 ang may temporary residence; at tinatayang 103,000 ang hindi dokumentado o ilegal.
Sa ilalim ng Real ID scheme, magiging mahigpit ang Amerika sa pagpoproseso ng mga mag-a-apply ng drivers license, at iba pang government-issued identification. Tanging ang mga may Real ID compliance lamang ang papayagang makasakay sa eroplano at makapasok sa federal buildings simula sa susunod na taon.
“There are three categories of people who will be very unhappy about secured driver’s licenses – terrorist and people who wanted to get on airplane and federal buildings and avoid terrorist watch list, illegal immigrants who wanted to work in this country by pretending to be American citizens, and convicts," ayon kay Michael Chertoff, secretary ng US Homeland Security.
Tiyak umanong aakyat sa Federal Supreme Court sa US ang usapin ng ID system dahil tulad ng pangamba ng mga Filipino sa isinusulong na National ID system sa Pilipinas, pinangangambahan na makapanghihimasok ito sa pribadong buhay ng mamamayan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Comments