Sen. Guingona kay Musa: ‘Ang labo mong kausap’
"Ang labo mong kausap." Ito ang sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III kaugnay sa umano'y tahi-tahing pahayag ni Labor Attaché Adam Musa sa iskandalo sa aregluhan kapalit ng pananahimik ng isang OFW na biktima ng panghahalay sa Saudi Arabia.
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kamakalawa tungkol sa sex-for-flight isyu, dismayado ang ilang senador kay Musa dahil hindi nito agad inaksyunan ang reklamo ni "Josie," isang OFW, kaugnay sa pauli-ulit umano na pangmomolestiya sa kanya ng driver na si "Jojo."
Si Josie ay nanuluyan sa Bahay Kalinga, isang halfway house ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar para sa mga inaabusong OFW. Siya ay tumakas sa kaniyang amo dahil sa umano'y tangkang panggagahasa sa kaniya.
Ipinasok siyang janitress ni Musa sa POLO at dito na naganap ang mga pangmomolestiya sa kaniya ni Jojo, drayber ni Musa.
Samantala, diretsahang sinabi ni Sen. Cynthia Villar kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi dapat pinababayaan ng mga opisyal ng ahensiya ang ganitong gawi.
“Money for a settlement? Kung ako ang nagma-manage ng isang office, 'pag may complaint, I will not encourage them to make settlements with the complainant. I will get to the bottom of it kasi hindi magandang tingnan that you just close your eyes and let those under you settle the case so that they will not be removed from office,” ayon kay Villar.
“Feeling ko po na dinadahan-dahan ninyo ang investigation, then aayusin na lang afterwards. Ipakita natin na we condemn and act immediately. You cannot wash your hand on this accusation," aniya.
Iginiit naman ni Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos na dapat ay sinibak na ni Musa sa pwesto ang kaniyang driver nang mabatid nito na nagka-aregluhan.
“Bakit ka magbabayad kung wala kang ginagawang mali. Hindi maliit na pera yun para sa isang driver,” ani Marcos.
Nabatid na P110,000 ang ibinayad kay Josie ni Jojo at ang bahagi ng halagang ito ay mula sa bulsa ni Musa.
Naniniwala naman si Sen. Juan Ponce Enrile sa mga testimonya ni Josie.
“He’s not telling the truth,” sabi ni Enrile sa mga pahayag ni Musa, kaya itinigil na niya umano ang pagtatanong. — Linda Bohol /LBG, GMA News

Comments