Duterte, umapela sa Kuwait at MidEast countries na tratuhing tao ang mga Pinoy


Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait at iba pang bansa sa Gitnang Silangan na tratuhing tao ang mga Filipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
"Can I ask you now just to treat my countrymen as human beings," saad ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport bago umalis patungong New Delhi nitong Miyerkoles upang dumalo sa ASEAN-India Special Commemorative Summit.
"We are poor, we may need your help, but we will not do it at the expense of the dignity of the Filipino," sabi pa ng pangulo.
Tinatayang nasa 10 milyong Filipinos ang nagtatrabaho sa iba't ibang bansa, na karamihan ay nasa Gitnang Silangan.
Ayon kay Duterte, malaking tulong ang ipinapadalang remittances ng mga OFWs sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Tinatayang 260,000 ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Kuwait, na halos kahati ay nagsisilbing mga household service worker (HSW), na mas lantad sa mga pang-aabuso.
Nitong nakaraang linggo, ipinatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga bagong OFW sa Kuwait habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW.
Ayon kay Duterte, hindi niya hahayaan na magkaroon na naman ng insidente na may OFW na hahalayin at magpapakamatay.
"I hope that you'd listen to me because I mean well, but I will never never again tolerate another incident of rape to the point of committing of suicide, jumping out the window. That is something the Filipino cannot stomach," anang pangulo.
"If I can't do something about it  then there's no reason for me to stay in this position any minute longer," dagdag ni Duterte.
Kamakailan lang, nagpulong sina Sami Abdulaiz Al Hamad, Assistant Foreign Minister for Consulate Affairs Ambassador ng Kuwait, at si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa Jr.
Sa naturang pulong, hiniling ni Hamad na alisin na ang suspensyon sa pagpapadala ng OFW sa kanilang bansa.— FRJ, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star