Sentensiyang bitay sa 2 Pinoy sa Jeddah, kinatigan ng korte

Charles Tabbu, ABS-CBN News
Posted at Jan 05 2018 11:31 PM
JEDDAH - Kinatigan ng Jeddah Criminal Court sa Saudi Arabia ang sentensiyang bitay sa dalawang Pilipino dahil sa pagpatay sa tatlong kapwa Pinoy noong Abril 2006. 
Ang apat pang Pinoy na kasama sa krimen ay hinatulan naman ng 15 taong pagkabilanggo at 1,500 na lashes.
"Ang nangyari kahapon naglabas ng ng sentensiya yung yung preciding judge, na iyung dalawa doon sa accused ay hinatulan ng death,” ani Vice Consul Alexander Estomo ng Philippine Consulate General sa Jeddah.

"Ako personally and another translator, we attended the hearing about doon sa mga kababayan natin na facing a penalty case regarding doon sa pagkamatay din ng tatlong Pilipino, more than a decade ago."

Pito silang nahatulan sa pagpatay sa kapwa Pinoy sa Jeddah noong Abril 2006. 
Ito ang krimeng gumulantang sa mga OFWs sa Jeddah, dahil sa pagchop-chop sa mga biktima. Isa sa mga nahatulan ay pumanaw na dahil sa sakit habang nasa kulungan pa ito.

Ayon sa konsulado, maaari pang iapela ang hatol.

“Yung kaso kasi ngayon ay nasa criminal court pa, makukuha nila yung kopya ng desisyon, by next week. Meron naman silang pgkakataon na mag-apela, upon receipt of the court desisyon, they have 30 days to file an appeal,” ani Estomo.

Kung papanigan ng Court of Appeals ang desisyon ng criminal court, iaakyat pa ito sa Supreme Judicial Council sa Riyadh. 
"Kung panigan din ng Supreme Judicial Council sa Riyadh ang desisyon ng Court of Appeals at criminal court, iaakyat pa nila iyan sa Custodian of the Two Holy Mosques, o yung hari po ng Saudi Arabia, for his final desisyon,” ani Estomo.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang embahada.
“Meron pang pagkakataon na mapigipan pa itong implementation ng kamatayan dito sa dalawang kababayan natin, and hopefully yung inaasahan din po natin pagsisikapan din natin na sana nga mapawalangsala din po sila,” ani Estomo.

Sa sususod na linggo, uumpisahan na ang pag-draft ng apela kung sakaling matanggap na ng konsulado ang kopya ng desisyon ng korte.

“Ang course of action ng consulate, of course we will be assisting them in drafting the appeal, kailangan din naming makuha ang kopya ng court desisyon, para ma-endorse din naming sa abogado, na tutulong sa pag-draft ng appeal,” ani Estomo.

Dagdag niya, maayos naman ang lagay ng mga akusado.
“Physically except for one, physically okay naman sila, but of course malungkot especially doon sa dalawa na nahatulan ng kamatayan talaga namang hindi magandang balita ito para sa kanila,” aniya.
“Pero inassure ko naman sila personal, ako mismo nakausap ko sila pagkatapos ng hearing, na we will exhaust all avenues para po mapawalangsala sila o ma-reverse itong desisyon ng court.”
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang dalawang Pinoy na nahatulan ng kamatayan.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star