Skip to main content

Imbestigasyon sa pagpatay sa OFW sa Kuwait, patuloy na tinututukan ng OWWA




CAUAYAN CITY – Hinihintay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pinal na resulta ng otopsiya sa bangkay ng pinatay na Overseas Filipino Worker sa Kuwait na si Constancia Lago-Dayag ng Angadanan, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, sinabi niya na patuloy ang kanilang pagmonitor sa imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dayag sa pamamagitan ng autopsy na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nagbigay na rin sila ng tulong pinansiyal sa pamilya ng biktima at pagkakalooban ng scholarship ang kanyang bunsong anak.
Kinumpirma rin ng OWWA administrator na mayroon pang mga Ofw’s na tinutulungan nila kabilang ang Pinay na ginahasa ng isang Kuwaiti police.
OWWA Hans Leo Cacdac

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star