Nakiisa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa selebrasyon ng Filipino Heritage Month sa Scarborough Center Ontario, Canada.
Bumisita rin si Trudeau sa iFV Foods, isang Pinoy eatery, kung saan sinamahan siya ni Scarborough Center member of Parliament Salma Zahid.
Nakadaupang-palad naman ni Trudeau ang ilang Pilipino na kasalukuyang kumakain sa nasabing lugar.
Isa si Zahid sa naglusong ng mosyon upang ideklara ang buwan ng Hunyo bilang Filipino Heritage Month sa Canada noong 2018.
Bago ito ipinaabot ni Trudeau ang pagbati sa Pilipinas at mamamayan kaugnay ng ika-121st anniversary of Philippine Independence.
Ang hakbang ni Trudeau ay sa kabila nang batikos kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng Pilipinas sa naging makupad na pag-aksiyon sa mga basura.
Kung maaalala kinarga na rin ng barko na inarkila ng Canadian government ang nakatingga na mga containers ng trash sa Subic, Zambales.
Sa kabila nito, inungkat naman ni Trudeau ang malalim na relasyon ng dalawang bansa.
“Today, we join the Filipino community in Canada and around the world to celebrate the 121st anniversary of Philippine Independence. Cultural bonds – built through many generations of people-to-people ties – are the foundation of the relationship between Canada and the Philippines. Today, more than 837,000 Canadians of Filipino origin call Canada home. Canada looks forward to continuing to work with the Philippines to deepen this relationship.”
Kasabay nito ang kanyang pagkilala sa kontribusyon ng mga Pinoy sa kaunlaran ng Canada.
Tinukoy din ng Prime Minister na umaabot na raw sa 837,000 na Canadians na merong Filipino origin ang namamalagi bilang tahanan ang kanilang bansa.
“Today, I invite all Canadians to celebrate the important contributions that members of the Canadian-Filipino community have made – and continue to make – to our country. I also extend my best wishes to all those celebrating Philippine Independence Day, here in Canada and around the world. “Maligayang Araw ng Kalayaan! “Mabuhay!”
JUSTIN TRUDEAU

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star