OFW Unidentified

Ang balitang ito ay tungkol sa isang pilipino na namatay dalawang buwan na ang nakakaraan sa Hai Al-Jamaea Hospital sa Jamea District ng Jeddah.

Ayon kay Rico Silva, officer ng Assistance to National Section (ANS), kinilala ng ilang mga naroroon ang namatay na si Fernando Bohol pero hindi pa ito lubos na napatutunayan.

Ang kapalaran ng lalaki ay ipinabatid sa kaalaman ng konsulada noong Hulyo ni Dr. Mohammed Rashed, director ng Hai Al-Jamaea Hospital.

Sa isang sulat sinabi ni Rashe na ang lalaki ay walang malay nang dinala sa ospital noong July 6 ng isang pilipina na nagpakilala lamang sa pangalan na Iluminada.

Dagdag pa niya, walang dokumento ang lalaki na magpapakita ng pagkakakilanlan nito at ang babae ay nagiwan ng contact number at address na napagalamang hindi totoo. Ang lalaki ay nasa singkwenta anyos at namatay dahil sa "cardiopulmonary arrest due to markedly elevated blood pressure and possible brain hemorrhage".
Para sa impormasyon tungkol sa bangkay, maaring tawagan sina Elsa Masa o Norma Laut-Mamainte ng ANS sa Jeddah at telephone numbers (02)667-0925, 660-0348 or 663-0354. - GMANews.TV

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

Biden said set to make push for demilitarized Palestinian state as part of new doctrine ---By LAZAR BERMAN

In Cairo, senior Hamas officials discuss hostage deal with Egyptian intelligence chief ---By TOI STAFF, AGENCIES and LAZAR BERMAN