Skip to main content

DOLE may bagong apps para sa OFW


71

Ilulunsad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mobile application para sa mga overseas Filipino workers.
Ang nasabing app ay para magkaroon ng madaling access ang mga OFW sa labor departments at sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa iba’t-ibang bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na isa ito sa makabagong paraan para mabilis na makapagsumbong ang mga OFW na dumaranas ng pananakit.
Ilan sa mga feature nito ay ang ‘Wage calculator’ kung saan malalaman ng mga OFW kung magkano ang dapat nilang sahurin.
Pormal na ilulunsad ang nasabing app sa susunod na buwan kasabay ng ika-86 anibersaryo ng DOLE.

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

UP Diliman Professors Share Scientists’ Procurement Struggles at Senate Hearing

Gaza war rages into fourth month as Blinken tours Middle East Adel Zaanoun with Ilan Ben Zion in Jerusalem, --- Agence France-Presse