Religious gatherings sa Abril 1-4, OK – IATF

By Bombo Reymund Tinaza -March 26, 2021 | 1:55 PM105 Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseasesd (IATF) na magkaroon ng religious gatherings isang beses kada araw mula Abril 1 hanggang 4 o sa Semana Santa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang 10 porsyento lamang ang seating capacity sa loob ng mga simbahan. “Mabuting balita po para sa gustong magsimba ngayong Semana Santa, pinayagan po ng inyong IATF ang once a day religious gatherings mula a-uno hanggang a-kwatro ng Abril,” ani Sec. Roque. Ayon kay Sec. Roque, kailangan sumunod sa mga minimum health protocols laban COVID-19 ang mga magsisimba. “Dahil dito ang mga religious denominations ay kinakailangan sundin at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang mga controls bukod pa sa mga dating nilang ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na Covid-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga religious services o activities,” dagdag ni Sec. Roque. Inihayag pa si Sec. Roque na kailangan na magkaroon ng reservation para matiyak na masusunod anng 10 porsyentong capacity. Para maiwasan ang pagititipon-tipon ng mga tao sa labas ng simbahan, ipinagbabawal ang paggamit ng audio video systems sa labas ng simbahan o venue habang mayroong misa o worship service. Istriktong nililimitahan ang live singing sa misa at hinihakayat ang recorded singing. Inaatasan ang local barangay units at local units ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang mga nasabing protocols.

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

UP Diliman Professors Share Scientists’ Procurement Struggles at Senate Hearing

Gaza war rages into fourth month as Blinken tours Middle East Adel Zaanoun with Ilan Ben Zion in Jerusalem, --- Agence France-Presse