Ilang mga bata sa evacuation center sa QC nagkasakit na


Nagkakasakit na umano ang ilang mga nagsiksikan sa evacuation centers sa Bagong Silangan, Quezon City, lalo na ang mga bata.


Sa ulat ni Allan Gatus sa DZBB, sinabi ni Dr. Joel Paulino, barangay health supervisor, na kabilang sa mga sakit na nakikita nila sa mga bata ay ubo, sipon, alipunga, at pagtatae.

High-blood pressure naman ang karaniwang sakit ng mga matatanda, ayon sa kanya.

Dagdag pa ni Paulino, ang patuloy na siksikan sa evacuation center ay isa sa nakitang dahilan sa pagkakahawa-hawa at pagkakasakit.
 
Ang klima ay isa ding dahilan kung bakit madaling magkasakit ang mga bata, ayon kay Paulino.

Tinitiyak naman ng Quezon City Health Office, pati na rin ng barangay health center, na mapipigilan nila ang pagkalat ng mga sakit sa evacuation center. — LBG, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star