Pagtalaga kay Brillantes bilang ambassador binatikos
BINATIKOS ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) media group ang planong pagreretiro ni Commission on Elections (COMELEC) chairman
Sixto Brillantes para makamit ang inaasam na puwesto bilang ambassador sa Europa.
Sixto Brillantes para makamit ang inaasam na puwesto bilang ambassador sa Europa.
Napabalitang taimtim na pinagnanasahan ni Brillantes na makamit sa kanyang pagreretiro ang ambassadorial post sa silangang Europa bilang bonus sa sinasabi niyang ‘job well done’ bilang pinuno ng COMELEC.
Kasunod ito sa pagbawi niya sa bantang magbitiw sa COMELEC sanhi ng kaliwa’t kanang batikos mula sa iba-ibang grupo ukol sa patuloy na katiwalian sa nasabing ahensya.
Sinabi ni Brillantes aa isang panayam na hihilingin niya mismo kay Pangulong Noynoy Aquino na italaga siya bilang ambassador sa Eastern Europe sa sandaling umalis na siya sa COMELEC.
“I will wait to see the President so that I can ask him . . . My plan was to ask him, ‘Could you give me an ambassadorship instead so that I can rest. It’s so tiring in the Comelec,’” wika nito sa panayam.
Binaggit niya ang ilang bansa na nais niyang pagsilbihan: “Romania, Slovakia, or Hungary … where no Filipinos go.”
Subalit ayon kay ALAM national chairman Jerry Yap, ang pagtalaga kay Brillantes sa alin mang bansa sa Europa ay isang insult sa foreign service community.
Comments