POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya
Mas pinalalawig ng Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad (POPCOM) ang adhikain nitong pagpapalaganap at pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan ng mga nakakatandang Pilipino sa kanilang mga anak na nagdadalaga at nagbibinata. Nitong Setyembre 21, ang POPCOM ay nagsagawa ng isang “parent-teen talk webinar” gamit ang Zoom, kung saan ang isang “interactive program” ang nagbigay ng naaayon na kaalaman at kasanayan sa mga magulang, habang tumulong ito sa mga anak na teenager na maabot ang kanilang buong potensyal. Hinikayat din nito ang mga nanay at tatay na sumali sa malayang usapan, lalo na sa mga usapin ukol sa sex at sekswalidad, na nakikitang makakatulong upang bumaba ang mga bilang ng mga pagbubuntis sa hanay ng mga kabataan. Maaaring mapanood ang webinar sa https://youtu.be/lZ9jrJCjYas. Ayon kay Ikalawang Kalihim (Undersecretary) Juan Antonio A. Perez III, MD, MPH, “ang webinar ay naging isang tagapag-simula at ‘padaluyan’ ng pag-uu
Comments