600 illegal OFWs, pinagdadampot sa Saudi
Dinakip ng mga Saudi authorities ang may 600 undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na bigong isaayos ang kanilang mga dokumento para mapabalik sa Pilipinas habang nasa Philippine consulate.
Ayon sa ulat ng Arab News, inaresto at dinala ang ilang 600 mga Filipino kabilang ang mga bata sa isang deportation center sa Shumaisy sa Makkah noong nakalipas na Linggo.
Nakahinga umano ang mga kababaihang nakasama sa mga dinala sa deportation center samantalang nakaramdam naman ng pagkabigo ang mga naiwan sa konsulado.
Marami umanong naghintay sa labas ng konsulado ng ilang oras upang masundo ngunit wala nang mga bus na bumalik upang sunduin sila.
Samantala, sinabi ng Philippine consulate na nakikipag-ugnayan na ito sa mga Saudi authorities, kabilang na sa Saudi Foreign Ministry upang tulungang makauwi ang mga Pilipinong stranded.
“About 600 Filipinos were shifted to the deportation center in Makkah by authorities and we are now working on arrangements to transport the remaining stranded OFWs to the same center,” inihayag ni Philippine Consul General Uriel Garibay.
Wala nang kinumpirma ang Department of Foreign Affairs (DFA) na impormasyon hinggil sa pag-aresto sa 600 OFWs.
Una nang sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na base sa pinakahuling impormasyong nakarating sa ahensya ay wala pa kahit isang Filipino ang naaresto ng Saudi authorities
Comments