Maid for rent’

Usung-uso umano ang ‘maid for rent’ sa Middle East, ayon sa isang Filipino migrants rights group.
Kinumpirma ni Migrante-Middle East (M-ME) regional coordinator John Leonard Monterona na mayroong mga kasong idinulog sa kanilang grupo kaugnay sa mga runaway Filipino household service workers (HSWs) sa Saudi Arabia at iba pang mid-east countries na inabuso at minaltrato pero napupuwersang tumanggap ng household job sa ibang employer sa tulong ng mga broker.
“Saying that the maid for rent happens in case-to-case, isolated situation is an understatement. It is now beco­ming rampant that it even created a market of maid for rent that is not only illegal but also dehumanizes migrant household service workers,” paghahayag ni Monterona.
Lalo na umano kapag panahon ng Ramadan ay mas mataas ang demand ng mga absconder o tsimay na nag­layas sa orihinal na amo.
Isang Pinay na itinago sa pangalang Normina na kumakayod bilang household service worker at isang absconder ang umaming nagtatrabaho sa dalawang pamilya sa Saudi.
“Ilang years na akong TNT (tago ng tago), kela­ngan mag-work para mag-survive at makapagpadala sa pamil­ya. Nahanapan ako ng 2 employers ng broker ko kahit part-time part-time lang,” pagbubun­yag ni Normina.
Kapag sumuweldo ng 800 riyals kada buwan ay pumaparte umano ang broker at napupunta sa bulsa nito ang halagang 300 hanggang 400 riyals.
Bunsod nito, umapela ang Migrante sa gobyernong Aquino na imbestigahan ang ‘maid for rent’ phenomenon at sagipin sa lusak ang Filipino household service workers na biktima ng labor malpractice at sari-saring anyo ng pang-aabuso.(abante)

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star