Heart, nagkuwento tungkol sa kaniyag pagbubuntis at posibleng pinaglilihian
- Get link
- X
- Other Apps
Filtered By: Showbiz
SHOWBIZ
Blooming ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na tatlong buwan nang buntis sa first baby nila ni Senador Francis Escudero. Alamin kung ano ang kaniyang pinaglilihian at planong ipangalan sa anak.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ng aktres na hindi naman siya nakakaranas ng morning sickness pero may mga pagkakataon na nagiging antukin siya at maselan ang pang-amoy.
"'Yung amoy ng damit ko dapat bago o 'yung dina-dry clean kasi nahihilo ako sa detergent," kuwento niya.
Mas palaayos din daw si Heart at mas maingat at mapili sa kaniyang mga kinakain.
Para alalayan daw siya sa kaniyang mga kinakain, kumuha si Heart ng nutritionist.
Para alalayan daw siya sa kaniyang mga kinakain, kumuha si Heart ng nutritionist.
Nang tanungin kung ano kaniyang pinaglilihian, sabi ng aktres, "Gusto ko like anything that's white. I don't know why I like white bread, hakaw, ensaymada, 'yung milk, milk. I don't know it's weird, it's exciting."
Excited na umano ang aktres na malaman ang kasarian ng kanilang first baby at plano niyang isunod sa pangalan ng mister ang anak kapag naging lalaki.
"Kung lalaki kasi I plan to name him after Chiz, so Francis. Kapag babae I think I need to put more thought to that," saad niya. -- FRJ, GMA News
Comments