Ilang sektor ng Pinoy workers, di bibigyan ng US visa


ABS-CBN News
Posted at Jan 22 2019 06:43 PM
Hindi muna magbibigay ang United States ng mga H-2A at H-2B working visas sa mga Pinoy na hangad magtrabaho sa naturang bansa hanggang 2020, ayon sa US Department of Homeland Security (DHS). 
Ibinibigay ang H-2A visa sa mga dayuhang trabahador sa US na nagtatrabaho sa agrikultural na sektor habang ibinibigay ang H-2B visa sa mga dayuhang trabahador na hindi nagtatrabaho sa agrikultural na sektor. 
Sa ilalim ng mga nabanggit na visa, pinapayagan ang mga employer na mag-hire ng trabahador na dayuhan na magtrabaho sa Amerika sa pamamagitan ng one-time, seasonal, o intermittent basis. 
Sa isang pahayag sinabi ng DHS na ipapatupad ang naturang ban mula Enero 19, 2019 hanggang Enero 18, 2020 kasunod ng mga kasong overstaying at human trafficking na naitala umano sa "malaking" porsiyento ng mga Pinoy workers na pinagkalooban ng mga nabanggit na working visa. 
"DHS and DOS (Department of State) are concerned about the high volume of trafficking victims from the Philippines who were originally issued H-2B visas and the potential that continued H-2B visa issuance may encourage or serve as an avenue for future human trafficking from the Philippines," anila sa pahayag. 
Ayon sa US Federal Register, halos 40 porsiyento umano ng H-2B visa holder ang lumagpas sa nakatakdang panahon kung kailan sila dapat manatili sa US. 
Dagdag ng mga opisyal, nagdudulot umano ito ng banta ng abuso, fraud, at iba pang problema sa integridad ng H-2A at H-2B visa programs.
Bukod sa Pilipinas, kabilang ang mga bansang Ethiopia at Dominican Republic sa tinanggal sa listahan ng mga nationality na maaaring mapagkalooban ng naturang visa. 
Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng DHS. 
"If that is the law in the US, and there are violations, then we will need to respect. We will only react if our workers are being mistreated, maltreated," aniya.
Ipapaubaya rin nila ang isyu sa Philippine Embassy sa US at sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas. 

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star