Abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ukol sa pagkuha ng Exit Visa
Patuloy ang tulong na ibinibigay ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Pilipinong nangangailangan ng assistance para sa proseso ng pagkuha ng exit clearance mula sa Jawazat Wafideen. Pinapayuhan ang lahat ng ‘di dokumentadong Pilipino na magtungo sa Field Office ng Embahada sa Villa 24 sa Umm al Hammam District para sa pre-processing procedures.
Tumugon ang pamunuan ng Jawazat Wafideen (Saudi Deportation Office) sa kahilingan ng Embahada palawigin ang pagsasaayos ng status ng mga overstayers sa bansang Saudi Arabia.
Ayon sa Jawazat Wafideen, naka-schedule ang mga Pilipino para sa processing ng exit visa sa Wafideen tuwing Miyerkules mula 8:30 ng gabi hanggang 2:30 ng medaling araw. Kasama sa naturang schedule ang mga mamamayan mula sa Bangladesh, Indonesia, Nepal at iba pang bansang Asyano (maliban sa India at Pakistan). Ang pag-proproseso ay gagawin kasama ang mga itinalagang kinatawan mula sa Embahada ng mga nasabing bansa.
Tatanggapin sa takdang araw sa Wafideen and sino mang nagtataglay ng anuman sa mga sumusunod na dokumento:
a) Orihinal na iqama;
b) Orihinal na passport gamit pagpasok ng Saudi Arabia; 0,
c) May fingerprint records sa Immigration database.
Inaanyayahan ang lahat ng Pilipinong nangangailangan ng assistance sa proseso ng pagkuha ng exit clearance na magpunta sa Field Office ng Embahada sa Villa 24 sa Umm al Hammam District mula Linggo hanggang Huwebes mula 12:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon para sa pre-processing procedures.
Ang lahat ng nagsumite ng kanilang dokumento mula Linggo hanggang Martes ay mapapabilang sa endorsement sa Wafideen sa Miyerkules, habang ang iba naman ay isasama sa susunod na Miyekules ayon sa itinakdang quota.
Ang mga Pilipinong wala ng mga nasabing requirements ay mapapabilang sa mga isasangguni ng Embahada sa Saudi Ministry of Foreign Affairs.END
Comments