PANAWAGAN KAY NOYNOY




Panawagan kay Noynoy Aquino (P-Noy), sa mga SENADOR, KONGRESMAN, mga opisyal ng Department of Foreign Affairs Republic of the PhilippinesOverseas Workers Welfare AdministrationPhilippine Overseas Employment Administration (POEA) na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW lalo na ang mga kababaihan. MASDAN nyo ang mukha ng mga tinagurian nyong mga "BAGONG BAYANI", ayan ang mga inabot nilang BUGBOG at PASA sa kanilang mga MALULUPIT at MAPAGMALTRATONG employers. Mga BUGBOG na hindi nila inakalang aabutin nila sa ibang bansa ng mangarap silang magkaroon ng maayos na buhay para sa kanilang PAMILYA.
Ilang kababaihan pa natin ang kailangan dumanas ng ganitong klaseng mga PAGMAMALTRATO sa kamay ng mga DEMONYONG employers? Ilang kababaihan pa natin ang kailangan magbuwis ng buhay sa ibang bansa dahil lang sa pangarap nila na magandang buhay? Hindi pa ba sapat ang mga ganitong mga nangyayari sa ating kababaihan bago nyo maisipan na pansamantalang ISUSPINDE ang deployment ng mga kababaihang kasambahay sa ibang bansa? Hindi ba maaaring isuspinde ang pagpapadala ng mga baguhan o first timers na mga kababaihan dahil sila ang mga higit na nagiging BIKTIMA ng mga mapang-abusong employers?
Mga kapwa OFW sa buong panig ng mundo, muli po nating hilingin sa ating gobyerno na SUSPINDIHIN ang pagpapadala ng mga kababaihang kasambahay sa GITNANG SILANGAN.

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

Biden said set to make push for demilitarized Palestinian state as part of new doctrine ---By LAZAR BERMAN

In Cairo, senior Hamas officials discuss hostage deal with Egyptian intelligence chief ---By TOI STAFF, AGENCIES and LAZAR BERMAN