Letter from OFW in Taiwan


Dahil po sa pagkamatay ng isang 65 years old na taiwanese fisherman, sobrang nagalit na po ang Taiwan sa Pilipinas... Ngayon po, may mga pinoy na na binubugbog lalo ung mga workers sa Kaoshiung Port, mga pinay na nila-lock ng mga amo nila sa CR, di na pinapasakay ng train at masasamang titig at salita... nasa puso po namin ang hiya pero mas malakas ang takot....

Kami pong OFW dito sa taiwan tinitiis po namin ang homesick, hirap at lungkot... Dugo at pawis po ang puhunan namin dito... Ang maturingang bayani ay hindi pa po sapat sa sobrang hirap maging alipin sa ibang bansa...

Nananawagan po kami sa Presidente ng Pilipinas na sana po kalimutan na natin ang pride at humingi na po tayo ng kapatawaran sa pamilya ng matandang taiwanese na namatay.... Mahirap po ang apakan natin ang pride natin pero para sa akin po, mas mahirap yung mapauwi sa pilipinas at makita ang pamilyang walang makain....Libo-libong pinoy po ang nakapila sa pinas na gusto pumunta dito, libo-libo ang kadarating lang at di pa nakapagsimulang magbayad ng utang... yung iba ilang taon pa bago tuluyang matapos ang bar code....

Nakikiusap po kami na sana po, matapos na ang alitan.... Paghariin na po naten ang kapayapaan sa ating puso...

Ipagdarasal ko po na sana ang kagustuhan pa rin ng DIYOS ang mangyari... At sinisiguro ko po, yun ay hindi ang digmaan kundi ang PAGMAMAHALAN sa ating mga puso kahit tayo'y magkakaibang lahi....

87thousand Filipino workers means 87 thousand na pamilya po umaasa samin jan Sa pinas, tulungan nyo po kami...

UPDATING....
May 14, 9:31
May news na po sa tv na ang mga pinoy dito ay nde na pwedng makabili ng kahit anong products sa market.... 




*please share bago matapos ang 72 hours

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star