ADVISORY
ABISO UKOL SA “LOST
PASSPORT” PARA SA MGA ABSCONDED O TAKAS NA MANGGAGAWA
(Riyadh, ika-22 ng Mayo 2013) – Ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ay magsasagawa ng consular field office para sa “lost passport” ng mga absconded o takas na manggagawa, kasama rin ang mga manggagawang nagtratrabaho sa employer na hindi nila orihinal na sponsor.
Ang mga detalye ng consular field office na ito ay:
ANO: Consular Field Office Para sa Lost Passport
SAAN: International Philippine School-Riyadh (IPSR)
011 Mamar Al-Burtuqaal St.
Haya Malik Fahad District, Riyadh
KAILAN: Sabado, ika-25 ng Mayo 2013 hanggang Martes, ika-4 ng Hunyo 2013
Pwera ang Huwebes at Biernes
Magmula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi
Ang consular field office na ito ay para lamang sa mga absconded worker o takas na manggagawa, kasama na rin ang mga nagtratrabaho sa mga employer na hindi nila orihinal na sponsor, na nawala na o hindi makita ang kanilang mga pasaporte at nais makakuha ng bago para makapag-trabaho dito sa Saudi Arabia.
Ang mga requirements para sa lost passport ay:
Application Form (na libreng makukuha sa International Philippine School-Riyadh).
Kopya ng nawalang pasaporte (o di kaya’y numero ng pasaporte kung ito’y inyong naaalala).
Affidavit of Loss (na makukuha sa International Philippine School-Riyadh).
Bayad:
SAR 460.00 kung ang nawalang passport ay green (MRP) o maroon (MRRP)
SAR 700.00 kung ang nawalang passport ay maroon na may chip (e-Passport)
Hindi na kailangan ang “police report” o “Jawazat report” para sa consular field office na ito.
Lahat ng passport ay ginagawa sa Pilipinas at ang mga ito’y makukuha lamang dito sa Saudi Arabia pagkatapos ng 45 na araw mula sa pag-apply nito.
Ang mga nawalang ng passport na nais nang umuwi at hindi na magtratrabaho ay hindi dapat pumunta sa consular field office na ito. Kailangan nila ng libreng Travel Document, na makukuha naman sa Elite International School hanggang Miyerkules, ika-28ng Hunyo 2013. Tandaan na ang mga serbisyo sa Elite International School ay para lamang sa Travel Document, releasing of surrendered passport, at pag-renew/extend ng surrendered passport.
Pinaaalala ng Embahada na ang grace period ng Gobyernong Saudi para ayusin ang estado ng paninirahan at pagtratrabaho ay hanggang ika-3 ng Hulyo 2013 lamang. (END)

Comments