Ex-Army general Jovito Palparan, nahuli na ng NBI



Palparan arrested by NBI in Manila
Palparan arrested by NBI in Manila. A haggard-looking retired Maj. Gen. Jovito Palparan is seen a few minutes after he was arrested by National Bureau of Investigation agents at a house in Sta. Mesa, Manila before dawn Tuesday, August 12. A Bulacan court issued in 2011 an arrest warrant against Palparan, who is charged with two counts of kidnapping and serious illegal detention in the alleged abduction of University of the Philippines students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño.John Consulta/NBI/HO
Matapos ang halos tatlong taong pagtatago ni dating Maj. General Jovito Palparan Jr., nahuli siya ng National Bureau of Investigation nitong Martes ng umaga sa Maynila.
 
Dinala si Palparan sa NBI headquarters sa Maynila bandang alas-kuwatro ng madaling araw.
 
May P2 milyong pabuya ang kung sinuman ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dating heneral. Nagsimulang magtago si Palparan mula sa awtoridad noong Disyembre 2011.
 
Sa ngayon, nakapiit ang dating heneral sa NBI detention facility habang hinihintay ng Department of Justice at NBI ang commitment order mula sa korte na magsasabi kung saan ito pansamatalang ikukulong. 
 
"Sinimulan nila kahapon i-monitor ang location na 'yan. Magdamag nila tiniktikan. Nang na-confirm na siya, 'yan, inaresto," ani De Lima sa isang panayam sa radyo dzBB nitong Martes.
 
Ang magkatulong na pwersa ng NBI Anti-Organized Crime Division at Armed Forces Naval Intelligence Group ang dumakip sa dating heneral.
 
Nahuli ito bandang alas-tres ng umaga sa Sta. Mesa sa Maynila. Nauna umanong nakita si Palparan nitong Lunes.
 
Hindi naman nanlaban si Palparan nang arestuhin ng awtoridad. Ang dalawang tao umanong kasama ni Palparan nang arestuhin ito ay kusa ring sumama sa awtoridad.
 
"He (Palparan) was reluctant to be arrested but after seeing the AFP (was among the arresting units),he willingly surrendered. He came with the arresting officers of the NBI and NISF, meaning he did not resist arrest," ani military information chief Lt. Col. Ramon Zagala sa bukod na pahayag.
 
Ayon sa report ni Carlo Mateo ng radyo dzBB, mukhang ermitanyo ang dating heneral nang makita ng mga kawani ng NBI at AFP.
 
Malugod namang sinalubong ng Malacañang ang balita. Ani Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr.: "Mainam na maaari na siyang humarap sa hukuman at sumailalim sa mga proseso ng katarungan."
 
Samantala, pinaalalahanan naman ng mga militanteng grupo na huwag bigyan ng special treatment si Palparan. 
 
"Ikulong! Panagutin! No special treatment," pahayag ni Anakbayan chairman Vencer Crisostomo.
 
Dagdag naman ni Zagala, ang pagdakip kay Palparan ay dapat magsilbing halimbawa na hindi kinokondena ng militar ang mga kasamahan nitong humaharap sa batas.
 
"We are a professional unit, we are a professional organization. Even our intelligence units, because he used to be assigned with the intelligence community, did not cover for him. In fact, we led the efforts to find him," paliwanag nito.
 

Noong 2011, naglabas ng warrant of arrest order ang isang korte sa Bulacan laban kay Palparan. Nag-ugat ito sa mga kasong kinakaharap niya kasama na ang kidnapping at serious illegal detention sa diumano'y pagdukot sa mga estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
 
Noong panahon ng administrasyong Arroyo, pinuri pa ng dating pangulo ang mga operasyon pinangunahan ni Palparan mula 2001 hanggang 2006. 
 
Subalit sa pag-aaral ng Melo Commission, sinabi nito: "certainly evidence pointing the finger of suspicion at some elements and personalities in the armed forces, in particular General Palparan, as responsible for an undetermined number of killings, by allowing, tolerating, and even encouraging the killings."
 
Nagretiro mula sa serbisyo sa militar si Palparan noong 2006. Matapos nito, nanalo siya sa Kongreso at umupo bilang representante ng Bantay party-list, organisasyong laban sa komyunismo.
 
Noong 2010, tumakbo si Palparan bilang senador subalit hindi siya pinalad.  Rouchelle R. Dinglasan/RSJ, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star