PNoy, wala sa arrival honors ng nasawing 42 PNP-SAF nang dumating sa Villamor Air Base
VP Binay condoles with kin of slain PNP-SAF men. At Villamor Air Base on Thursday, January 29, Vice President Jejomar Binay condoles with the bereaved family of one of the 44 PNP Special Action Force commandos who died in an encounter with members of the MILF and BIFF in Mamasapano, Maguidanao on January 25. President Benigno Aquino III did not show up during the arrival honors. Danny Pata
Gayunman, naging kapansin-pansin na wala si Pangulong Benigno Aquino III sa paliparan para salubungin ang mga nasawing pulis na tinawag niyang mga bayani sa kaniyang talumpati nitong Miyerkules.
Pero nandoon sina dating Pangulong Fidel Ramos, Bise Presidente Jejomar Binay, at ilang opisyal ng militar at pulisya para magbigay ng respeto sa mga nasawing elite policemen.
Paglilinaw naman ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi sadyang hindi makadalo si Aquino sa arrival honors.
"The President did not skip the arrival honors today, it presupposes he was originally scheduled to attend it, which was not the case," anang opisyal.
Sinabi ni Valte na pangungunahan ni Aquino ang necrological services sa Biyernes ng umaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sa mga aktibidad ni Aquino nitong Huwebes ang pagtungo sa Laguna para sa inagurasyon ng Mitsubishi Motors Corporation Plant, at pagpunta sa burol ng mga nasawing pulis sa Biyernes.
Dalawa sa mga miyembro ng SAF na kasamang nasawi sa Mamasapano ay nailibing na sa Mindanao bilang pagsunod sa tradisyon ng mga Muslim.
‘Pinuna'
Pinuna naman ng netizens at ilang mambabatas ang hindi pagpunta ni Aquino sa arrival honors, gayung dumalo sa pagpapasinaya sa planta ng mga sasakyan sa Laguna.
Sa isang pahayag, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, na hindi sapat na nagbigay lang ng talumpati si Aquino noong Miyerkules ng gabi tungkol sa nangyaring insidente sa Mamasapano.
“Aquino's absence in the arrival honor ceremony for the fallen SAF men speaks volumes of the president's lack of basic respect for his servicemen," ani Ridon.
Dagdag pa nito, "It is truly despicable, especially for the commander-in-chief.”
Puna naman ng ilang netizens, ang hindi pagdalo ni Aquino sa arrival honors, tila hindi sinsero at hindi nakikisimpatiya ang pangulo sa mga sinapit ng mga pulis. -- FRJ, GMA News
Comments