OFW na kagagaling sa Dubai, arestado dahil sa 'di pagsustento sa pamilya


By  Bombo Laoag
  •  
LAOAG CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa Dingras, Ilocos Norte ang isang overseas Filipino worker (OFW) na kagagaling lamang mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Kinilala ni C/Insp Teddy Rosqueta, chief of police ng PNP Dingras ang suspek na si Joel Lorenzo, 26, isang OFW, at residente ng Brgy Foz sa nasabing bayan.

Ayon kay Rosqueta, bago nagtungo sa Dubai si Lorenzo ay may dating live-in partner at meron silang dalawang anak.

Ngunit nang nasa ibang bansa na ay hindi na niya binibigyan ng sustento ang kanyang mga anak at umano’y nag-asawa na ng iba na naging dahilan upang magsampa ng kaso ang kanyang dating ka-live-in.

Sinabi ni Rosqueta na nang mabatid na dumating na ang naturang OFW ay isang warrant of arrest ang ipinalabas ni Judge Perla Querubin ng RTC Branch 11 sa lungsod ng Laoag at agad inaresto si Lorenzo upang panagutan ang kanyang pagpapabaya ng responsibilidad sa kanyang mga anak na parehong menor de edad.

Sa ngayon nakatakda nang i-turn-over si Lorenzo sa korte para sa kaukulang disposisyon.

Inirekomenda naman ang P12,000 na piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

‘No one left’: Zionist strikes kill entire families in Lebanon --- AFP

Vietnam condemns China's 'brutal behavior' in fisher attack ---- Agence France-Presse