OFWs sa Canada 3 araw nang apektado ng snow storm; pasok sa trabaho pahirapan


By  Bombo Vigandecrease font size increase font size
VIGAN CITY - Tatlong araw nang umuulan ng grabeng yelo at umabot na rin sa -4 degrees celcius ang temperatura sa Toronto, Canada.

Ayon kay Marc Pinol na tubo ng Vigan City at nakatira na ngayon sa Toronto, nahihirapan sila sa paglabas dahil sa sobrang kapal ng yelong nakatambak sa kanilang paligid na umabot na ng mahigit 20 pulgada ang taas.

Aniya, dahil sa kapal ng yelo sa mga daan, naghulog na naman ang mga otoridad ng truckload na asin upang matunaw ito at hindi maging sagabal sa mga kalsada.

Pati sila ay tatlong araw na ring obligadong magpala ng yelo sa paligid at harapan ng kani-kanilang mga tahanan dahil pati ang kanilang mga nakaparadang sasakyan ay natambakan na rin ng yelo.

Idinagdag pa niya na mas lalong nahihirapan ang mga pumapasok ng eskuwelahan at sa trabaho dahil may mga daanan na madulas na sanhi ng mga aksidente maliban pa sa dinadanas na sobrang lamig.

Sa ngayon ay wala pang forecast sa kanila kung kailan titigil ang pag- ulan ng yelo sa nasabing lugar.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

Vietnam condemns China's 'brutal behavior' in fisher attack ---- Agence France-Presse

Africa roads are world’s deadliest despite few cars ---- AFP