21 OFWs na nanunuluyan sa OWWA nakauwi na sa kanilang lalawigan

MANILA – Nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan upang makapiling ang kanilang pamilya ang 21 overseas Filipino workers na nanunuluyan sa dormitoryo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pasay City

Ito ay matapos sagutin ni dating Senate President Manny Villar ang pamasahe nila sa eroplano at barko pabalik sa kanilang mga lalawigan.

Sa pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Villar, ipinaabot umano ng mga OFW ang labis na pasasalamat sa senador na matupad ang kanilang pangarap na makauwi sa kanilang pamilya ngayong Pasko.

Personal na nagtungo si Villar sa tanggapan ng OWWA nitong Huwebes upang ipagkaloob ang mga tiket ng lahat ng OFWs na nanunuluyan sa dormitoryo.

Kasama si OWWA Administrator Carmelita Dimzon at mga kawani ng ahensya at mga OFW, inawitan at binati nila ang senador para sa nalalapit nitong kaarawan sa Disyembre 13.

Niregaluhan din si Villar ng birthday cake na may disenyong eroplano.

Sinabi ni Villar na matagal na naipit sa ibang bansa ang mga OFW kaya hindi nararapat na maipit pa sila sa sariling bansa at hindi makapiling ang mga pamilya.

Nitong nakaraang buwan ay sinalubong ni Villar ang 30 minaltratong OFWs mula sa Abu Dhabi na tinulungan din niyang makauwi sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang mga pamasahe sa eroplano. - GMANews.TV

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

‘No one left’: Zionist strikes kill entire families in Lebanon --- AFP

The challenge of welcoming migrants and asylum seekers