Tunay na bilang ng OFWs na mawawalan ng trabaho dapat alamin

MANILA – Nais ni Speaker Prospero Nograles Jr. na magpulong ang economic team ng Malacanang at Kongreso upang makabuo ng programa kung papaano matutulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mawawalan ng trabaho bunga ng krisis sa ekonomya na nararanasan sa buong mundo.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Nograles na kailangan magkaroon ng malinaw na datos kung ilan ang bilang ng mga OFW na mapipilitang umuwi ng Pilipinas dahil sa pagkawala ng trabaho sa ibang bansa.

Sinabi niya na mahalaga na magkaroon ng kongkretong programa ang pamahalaan para sa OFWs na “anchored on real facts and figures."

“Reports on OFWs losing their jobs because of the creeping global recession is a serious concern," ayon kay Nograles. “We have to face this problem now and provide every available assistance, including job placements, for Filipinos who have lost their jobs due to the global economic crunch. Our unemployment problem might grow into crisis proportion if we do not act the soonest possible time."

Una rito, inihayag ng Department of Labor na posibleng umabot sa 500,000 ang OFWs na maapektuhan o mawalan ng trabaho dahil sa krisis sa pananalapi na nararanasan sa buong mundo.

Nais naman ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na bumuo rin ng programa ang pamahalaan kung papaano matutulungan ang mga OFW na nabaon sa utang sa pagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Angara na dapat suportahan ng gobyerno ang mga uuwing OFWs na nahaharap sa malaking utang at pagkakasangla ng kanilang mga lupa.

“Sana may formula na mabuo ang gobyerno na saluhin ang muna ang mga utang ng OFWs lalo na yung mga ari-arian gaya ng lupa na naisangla nila para may panggastos sa pag-abroad nila, and then later on kung may trabaho na uli sila saka nila bayaran sa gobyerno," mungkahi ng kongresista.

Nangangamba naman si Nograles na maharap sa malaking krisis ang pamahalaan sa mga walang trabaho sa Pilipinas kung hindi tama ang bilang ng mga OFW na mapipilitang umuwi ng bansa.

"We have to face this problem now and provide every available assistance, including job placements, for Filipinos who have lost their jobs due to the global economic crunch. Our unemployment problem might grow into crisis proportion if we do not act the soonest possible time," pahayag niya. - GMANews.TV

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

‘No one left’: Zionist strikes kill entire families in Lebanon --- AFP

The challenge of welcoming migrants and asylum seekers