Pinay sa Kuwait na binubugbog ng employer, na-rescue

NASAGIP ng Mubarak Labor Services Agency ang Capizeña overseas Filipino worker (OFW) na umano’y binubugbog ng kanyang employer sa Kuwait.
Ayon sa OFW na si Grace delos Reyes, nailigtas kahapon si Maricar Aligano ng Brgy. Sinabsaban, Cuartero, Capiz mula sa kanyang nananakit na amo.
Aniya, nahirapan pa ang agency nito na hanapin ang kinaroroonan ng bahay ng employer nito dahil maling lugar ang ibinigay ng kanyang amo sa agency ng naturang OFW.
Malaki rin daw ang naitulong ng pangungulit ng mga OFW sa agency ni Aligano upang mapabilis ang pag-rescue rito.
Samantala, labis ang tuwa na nararamdaman ng pamilya ng OFW matapos makarating sa kanilang ang impormasyon na pagkakaligtas kay Aligano mula sa kanyang amo.
Ayon kay Severino Almodiente, live-in partner ni Aligano, umaasa sila na mapabilis ang pagpauwi rito sa Pilipinas upang mawala na ang kanilang pag-aalala.
Kaugnay nito, kanila ring pinasalamatan ang Bombo Radyo dahil sa tulong upang mapabilis ang pagkilos ng agency ng naturang manggagawa. -30-

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

UP Diliman Professors Share Scientists’ Procurement Struggles at Senate Hearing

India's Sun probe reaches solar orbit --- Agence France-Presse