Higit 100 OFW mula Saudi Arabia, nakauwi na
MAYNILA—Nakauwi na ng Pilipinas nitong Sabado ang 108 overseas Filipino workers mula Saudi Arabia na hindi pinasahod ng kani-kanilang employer.
Banggit nila masaya sila dahil makakasama nila ang kanilang pamilya ngayong Pasko, pero malungkot dahil walang trabahong naghihintay sa kanila sa bansa.
Tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Leo Cacdac na mabibigyan sila ng financial assistance at puhunan.
Hiningi rin ni Cacdac ang kanilang biodata dahil nangangailangan ang pamahalaan ng sapat na bilang ng mga construction worker para sa Build Build Build program ng pamahalaan.
Comments