Mga bata gustong gawing matandang OFW, para makapag-abroad


ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am
HINDI pinayagan ng Bureau of Immigration sa NAIA na paalisin ang tatlong underage na OFWs matapos nilang harangin ang mga ito sa pagsakay sa eroplano ng Gulf Air Airlines papuntang Saudi Arabia.
Bakit?
Nabuko silang masiadong bata at hindi tama ang edad na nakatitik sa kanilang mga passport.
Hindi natin babanggitin ang kanilang mga pangalan dahil may prohibition sa anti-trafficking law na ipinatutupad.
Sabi nga, bawal!
Ang legal age kasi ng mga OFWs ay 23-years old, ito ang batas na ipinatutupad sa Philippines my Philippines kaya naman kung mas bata pa rito ang edad ng isang aalis na OFW going abroad ay bawal ito.
Ika nga, mapa-babae o lalaki man!
Sabi ni Erwin Ortanez, hepe ng BI - Travel Control Enforce­­ment Unit, gumagawa ng gimik ang mga handlers ng mga batang OFWs para maging hustong gulang ang mga OFW na kanilang palalabasin, pero ang mga ganitong style ay hindi makakalusot sa TCEU group.
Ika nga, buko na !
Ang mga ito ay may mga valid overseas employment certificates, job contract at working visa ang paltos nga lamang sa gimik ng kanilang mga handlers ay wala sa tamang edad.
Sila ay isasalin sa pag-iingat ng IACAT sa paliparan para maimbestigahan kung sino ang gumawa ng gimik para sa kanila. Abangan!
* * *

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star