Naghahabol ng flight sa Clark…


MANILA, Philippines — Walang kasing pait na kapalaran ang sinapit ng anim na Overseas Filipino Workers (OFW) nang masawi habang siyam pa na kapwa ring mangingibang bansa upang maghanapbuhay ang malubhang sugatan matapos masangkot sa isang malagim na aksidente ang sinasakyan nilang van sa isang bahagi ng North Luzon Expressway sa bayan ng Apalit, Pampanga nitong Sabado, ayon sa ulat.
Sa pinakahuling update, sinabi Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Alberto Suansing na pawang dead-on-the-spot ang anim na nasawi sa nakapanghihilakbot na trahedya.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng NLEX sa bahagi ng Brgy. Tabuyoc.
Ayon sa imbestigasyon, sumabog ang kaliwang gulong na sinasakyan ng mga biktima na isang Hyundai H 100 semi-van sa northbound lane ng NLEX sa nasabing lugar.
Sinabi ng opisyal na nasa 15 katao ang lulan ng van na pawang ay mga Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) na patu­ngong Clark International Airport sa Pampanga upang habulin ang flight ng kanilang eroplano.
Sa lakas ng pagsalpok ng van sa NLEX viaduct ay nagpagulung-gulong pa umano ito bago tumilapon sa isang residential area ang mga biktima kung saan anim ang nasawi noon din habang siyam ang naita­lang sugatan.
Ayon naman kay Police Regional Office (PRO) 3 Spokesman Police Colonel Fe Greñas, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga nasa­wing biktima. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

Comments

Popular posts from this blog

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star