Kabayanihan ng OFW na namatay sa sunog sa Italya, usap-usapan sa Ilocos
VIGAN CITY - Kasabay ng pag-uwi sa labi ni Imelda Gorospe na namatay dahil sa pagkasunog ng kanilang apartment sa Roma, Italya, usap-usapan ngayon ang kabayanihang ginawa niya sa lalawigan ng Ilocos Sur lalong lalo na ang kanyang mga kababayan sa Barangay Zone 2, Bantay.
Bumuhos ang pakikidalamhati ng mga kapitbahay at kaanak ng nasabing Pinay caregiver.
Saludo sila sa ginawa ni Imelda na labis ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho.
Nabatid na sinakripisyo niya ang kanyang buhay para lamang maisalba mula sa nasusunog nilang apartment sa Roma ang inaalagaan nitong 80-anyos na matanda, kaya siya ang na-suffocate.
By Bombo Vigan
Comments