Filtered By: Just In NEWS Suspek sa isang buy-bust nabaril, dead on arrival sa Parañaque

Filtered By: Just In
NEWS

Published May 25, 2018 9:48am 

Dead on arrival ang isang suspek na umano'y nanlaban sa isang buy-bust operation sa Barangay Tambo, Parañaque nitong Biyernes, ayon sa ulat ni James Agustin ng Super Radyo dzBB at Vonne Aquino sa Unang Balita.


Nabaril ang suspek na kinilala sa alyas na Tarat matapos umano itong magpaputok sa mga pulis na nagpanggap na buyer ng tatlong sachet ng shabu sa Macapagal Boulevard sa Parañaque.
Ayon kay Parañaque Chief of Police Police Senior Superintendent Leon Victor Rosete, nagawa raw ito ni Tarat matapos makutuban sa operasyon na siyang natakasan ng kasama ng suspek.
Naisugod pa sa ospital si Tarat, na umano'y akyat-bahay at holdaper rin, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Nakakuha pa ang pulis ng tatlong karagdagang sachet ng shabu mula sa bag ng suspek.
Inaalam pa ng pulis ang tunay na katauhan ni Tarat ang kinaroroonan ng kanyang kasama. —Rie Takumi/KG, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

In Cairo, senior Hamas officials discuss hostage deal with Egyptian intelligence chief ---By TOI STAFF, AGENCIES and LAZAR BERMAN

LIST: 21 medicines added to VAT-exempt list Ian Laqui - Philstar.com