Dating OFW tinakbuhan ang halos P10,000 bill sa beerhouse


ABS-CBN News
Posted at Jun 18 2018 09:35 AM
MANILA - Dinala sa presinto ang isang dating OFW matapos umanong tumangging bayaran ang kaniyang halos P10,000 bill sa isang beerhouse at KTV bar sa Batasan Road, Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.
Kuwento ng manager ng bar, umorder ng mga inumin at pagkain ang lalaki at nakipag-table sa 7 babae.
Nabayaran ng lalaki ang kaniyang unang bill na P6,000, pero muli itong umorder.
Nang dumating ang pangalawang bill na P9,400, tumanggi na ang lalaki na bayaran ito. Pinilit din umano niya ang mga ka-table na babae na bayaran ang kanilang ladies' drink.
Dinala ng staff ng beerhouse ang lalaki sa presinto kung saan siya nagpakilala bilang dating head chef umano sa isang restaurant sa Dubai.
Kinalaunan, ibinigay niya sa beerhouse ang kaniyang relo bilang kolateral. Nagbigay rin siya ng P4,000 at nangakong magbabayad nang buo.
Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Comments

Popular posts from this blog

POPCOM, gagamit ng ‘digital platforms’ para pagtibayin ang mga ugnayang pampamilya

In Cairo, senior Hamas officials discuss hostage deal with Egyptian intelligence chief ---By TOI STAFF, AGENCIES and LAZAR BERMAN

LIST: 21 medicines added to VAT-exempt list Ian Laqui - Philstar.com