Skip to main content

Wedding proposal ng isang OFW, naging kuwela dahil nabisto ng kaniyang nobya


Nahaluan ng katatawanan ang kilig ang dala ng ginawang wedding proposal ng isang overseas Filipino worker matapos na mabisto ng kaniyang nobya ang kanilang plano.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing uuwi na sa Pilipinas si Roselyn Kasilag, na tubong batangas, kaya naisipan ng kaniyang nobyo na si Aljun Casue na alukin na ito ng kasal habang nasa New Taipei City, Taiwan sila.
Pero bago pa makahirit ng linyang "will you marry" si Aljun, inuhan na siya ni Roselyn dahil natunugan niya ang gagawin ng nobyo.
Nakita kasi ni Roselyn nang dumating ang kaniyang kapatid na may dalang bulaklak at may inabot kay Aljun.
Ang mga sumunod na eksena, talaga namang kakaiba kumpara sa iba pang nag-viral na wedding proposal. Panoorin ang video.  --FRJ, GMA News

Comments

Popular posts from this blog

Social media seen as cause of rising intermarriages --- Helen Flores - The Philippine Star

PCG: China’s bullying in West Philippine Sea undermines international law --- Ghio Ong - The Philippine Star

China ships maintain presence in key West Philippine Sea areas --- Michael Punongbayan - The Philippine Star